FILM REVIEW

                                                                    "Seven Sundays"


I. Panimula O Introduksiyon

- paglalahad ukol sa pamagat, direktor, lugar kung saan nangyari, kailan ipinalabas ang pelikula. 

Seven Sundays, ang pelikula ay ipinalabas noong Oktubre 11, 2017, ang lugar kung saan ito nangyari ay sa bahay ng kanilang ama, ang mga pagtatalo at ang kanilang mga masasayang alaala.

-Paglalahad din ng tema ng pelikulang napanood.

Ang tema ng pelikula ay ang muling pagsasama ng magkapatid sa kanilang naghihingalong ama. Gusto nilang makasama ang kanilang ama bago siya mamatay.

II. Buod

- paglalahad ukol buod ng pelikula. 

Binalak ng magkapatid na tumira sa kanilang ama bago siya mamatay dahil sa cancer. Nag-host pa sila ng selebrasyon para sa kaarawan ng kanilang ama mamaya ng gabing iyon. Sinabi ng doktor na hindi siya nagkaroon ng cancer pagkatapos kumuha ng test sample, ngunit ayaw niyang sabihin ito sa kanyang anak dahil natatakot siya na baka magalit ang mga anak sa kanya at masira ang gabi nilang magkasama. Habang inilihim niya ito, nalaman ni kuya (Allan) na nanloloko at nagnanakaw ng pera ng tao ang kanyang younger kapatid (Dex). Tapos nalaman ng ibang kuya (Allan) na nagsisinungaling ang asawa ng ate (Cha) niya, tapos sinabihan sila ni Dex na nagsinungaling ang tatay nila tungkol sa cancer niya. Naghiwalay ang buong pamilya at nagpasyang umalis sa bahay ng kanilang ama, hanggang isang araw ay nagpasya si Allan na ayusin ang lahat. Humingi siya ng tawad kay Bryan at pumunta para mag apologize kina Dex at Cha, binisita nila ang kanilang ama at nag apologize dito tungkol sa kanilang galit noong gabing iyon. Muli nilang itinayo ang kanilang ABCD family store nang magkasama, the end. 

III. Pagsusuri

- Pagsusuri ukol sa aral ililahad ng pelikula.
 
Ang aral ay na mahalin ang iyong pamilya anuman ang mangyari at suportahan sila kahit na sa mga mahirap na panahon. Patawarin mo sila palagi pero wag mong kalimutan ang ginawa nila pero mahalin mo parin sila kahit may ginawa silang masama sayo. 
 
- Pagbibigay reaksiyon ukol sa napanuod. 

Nalungkot ako kapag nagtatalo sila sa isa't isa dahil ang mga bagay na sinasabi at naranasan nila ay nangyayari sa ibang pamilya. Minsan nakakarelate ako sa mga sinasabi nila at sa nararamdaman nila. At nang humingi sila ng tawad sa huli ay nakaramdam ako ng sobrang saya.

IV. Konklusiyon

- Paglalahad sa iyong rekomendasyon ukol sa pelikula na panoorin ng mga mag-aaral o ibang mga tao. 

Inirerekomenda ko talaga ang pelikulang ito sa ibang tao dahil alam kong may mga taong makaka-relate sa pelikulang ito. Nakakatuwang panoorin ang pelikulang ito kasama ang iyong mga pamilya.








Comments

Popular posts from this blog

Unlocking the Mystery: Science Fair Edition

MUSEO DE ANNATA

John Lasseter