MUSEO DE INTEGRIDAD
MUSEO DE INTEGRIDAD Noong Oktubre 11, 2024, ang mga mag-aaral ng Grade 8 ng Asian College of Technology ay nagpakita ng isang Museum exhibit tungkol sa Evolution of Technology. Sa blog na ito, ibabahagi ko ang aking karanasan at kung paano isinagawa ng mga estudyante ang kanilang mga tungkulin. Sa simula, excited ako dahil hindi ko inaasahan na magkakaroon ng exhibit ngayong taon. Pagpasok ko, medyo nalito ako dahil mukhang kaunti ang laman at paikot-ikot ang mga estudyante. Habang hinihintay namin ang aming pagkakataon , narinig ko ang mga negatibong komento mula sa mga kaklase ko—sinabi nilang hindi aktibo ang mga estudyante at parang hindi seryoso sa pagpapaliwanag. Nang kami na ang pumasok, medyo mababa ang aming inaasahan base sa narinig namin. Gayunpaman, naging masaya na lang kami sa pag-enjoy sa exhibit. Natuwa kami sa kanilang mga kaalaman tungkol sa mga lumang teknolohiya, at kahit paano ay nag-interes kami sa mga ipinaliwanag nila. Ang unang antigong bagay na nakita nami