Posts

Showing posts from March, 2022

What I want in life.

Ang gusto ko sa buhay ay magkaroon ng sariling sasakyan, maliit o malaki basta madala ang mga kaibigan ko kahit saan ako magpunta.  Lagi kong pinangarap na magkaroon ng mga road trip kasama ang aking mga kaibigan na dumadaan sa mga lungsod at bundok. lalo nang late night drives. Para sa akin ito ang pinaka best na pakiramdam, ito ay nagpapalaya sa akin. Kapag nag-road trip kami ng pamilya ko nasasabik ako dahil mahilig ako sa mga road trips. Long car rides at music ay ang paborito ko at gusto kong maranasan iyon kasama ng mga kaibigan.  Ngunit kailangan ko pa ring maghintay na maging 18 upang magsanay sa pagmamaneho at makakuha ng kotse. Maghihintay ako hanggang sa makarating ako sa aking destinasyon.